Naisipan kong paglaruan ang iba't ibang mga salitang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipag-usap. Nakatutuwang tingnan na sa pagtatanggal o pagsasaayos lamang sa ilang titik ay makabubuo ka na ng mga bagong salitang mayroong ibang kahulugan:
Kung bumili ka sa tindahang nagbebenta nang tingi, makatatanggap ka ng pasasalamat at ngiti.
Ginagamit ng tao ang kanyang isip kapag naglalahad ng argumento, kaya naman makakakuha ka ng sipi sa isang diskurso.
Mahal ka ng Diyos at siya ay nasa iyo, kahit saan ka magpunta.
Nagkakaroon ng iba't ibang kahulugan ang mga salita kahit isang titik lamang ang tanggalin. Kapag binaklas mo ang ngayon, gayon ang lalabas, at kung ituloy mo pa ayon sa iyong kagustuhan, 'yon na ang makukuha mo.
Maraming mga bata ngayon ang puno ng taba. Kung iisipin mo, sobrang lungkot nito dahil maaari silang mamatay nang maaga, kaya sana naman ay mayroong gawin ang kanilang mga magulang tungkol sa kanilang kalagayan.
Tayong lahat ay Pilipino. Mahal at pili tayo ng Diyos, kaya naman kailangan nating maging pino sa lahat ng ating gagawin.
Maraming mga alamat ang ginagamit sa pagpapaliwanag ng alam at dunong ng tao sa kanyang kapaligiran.
Walang magsasabi sa iyo ng salamat kapag matalas ang iyong dila.
Walang magsasabi sa iyo ng salamat kapag matalas ang iyong dila.
Hindi mo kailangang malungkot sa iyong pag-iisa, sapagkat kailangan mo lamang ng sipag at tiyaga para magkaroon ng maraming mga kaibigan.
Kung ang iyong ina ay isang palayan, ikaw ang ani.
Ang kalayaan ay alay sa atin ng mga bayani.
Hindi natin dapat irapan ang ating paghihihirap, sapagkat kapag tinanggal mo ang iyong paghihira ay pwede mo itong maagap.
Walang malas sa buhay, sapagkat palaging mayroong alas na magtuturo sa atin sa tamang daan.
Huwag kang umalis o tumakas kapag ikaw ay nasa delikadong sitwasyon, dahil maaaring mayroong sumila sa iyo.
Ang dating pangulong Erap ay malapit sa masa at naging pare ng bayan.
Kahit ang mga pari ay napapairap kapag sila ay galit.
Ang ulap ay hindi kulay pula. Ang tikab ay isang kabibe. Bakit ko sinasabi ito? Wala lang.
Kapag ikaw ay mayroong taning sa buhay, kailangan mo nang mag-ingat.
Huwag kang masyadong umasam sa mga bagay na imposibleng mangyari, dahil baka sumama lamang ang kalagayan mo.
Dapat ay bukas ang iyong pag-iisip sa mga bagong tao sa iyong buhay, ngunit mag-ingat ka sa maaaring mga sukab.
Sana ay hindi ka tinamad sa pagbasa ng mga ito, dahil kung ito palang ay ayaw mo nang basahin at gusto mo na itong kalimutan sa kalagitnaan ng iyong buhay, paano na ang pag-asa ng bayan?
Tuliro ka na ba? Paglalaro lamang ito!
Ayusin ito sang-ayon sa "Gabay sa Ispeling" bago muling ipasa sa akin ang link.
ReplyDeleteIsinaayos na ba ito? Tingnan, hindi tignan. Maging higit na maingat sa susunod.
ReplyDeleteSir, patawad po at dalawang beses ko naisend ang aking journal. Aayusin ko palang po ito at isesend ulit. Salamat po.
ReplyDeleteNa-revise ko na po ang aking journal. Salamat po.
ReplyDeleteMahusay! Binibigyan kita ng +1 na LG para sa entring ito.
ReplyDeleteSalamat po sir!
ReplyDelete